Friday, October 15, 2010


Pag yan di pa tumama, iiyak na talaga ako. huhuhu... Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak or parang pinanghihinaan ng loob ngayon. Nakakainis! Alam ko naman kung ano sakit ko-- KATAMARAN! Eh, ano ba kasi talaga gamot dito?!

Oo na di nga ako kasing sipag ng iba, o kasing tiyaga nila. Pero nag eeffort naman ako eh, sana nakikita nila yun. Yun ang nakakasama ng loob, yung di ka naaappreciate. Ok naman na walang 'thank you', basta makita ko lang na nakikita mo ang effort ko.

Lagi na lang ganito eh. Same old brand new?! Kayo din naman nag aalis saken sa scene. Tapos ano? mas nakikita niyo na yung iba? Then binalewala na yung effort ko?

Siguro kaya kayo ganyan saken kasi 'first impression' niyo wala akong alam. Na 'di ako magaling. Sana malaman niyo naman na 'it worth a second try'. I accepted all my mistakes. And I'm trying to correct all of them. Sana naman nakikita niyo.

Buti pa nung elementary ako, lagi akong nasa top 5. Minsan top 3, top 2 at naging top 1 na rin. Palaging kabilang sa mga highest sa quizzes, exams at projects. Kahit gaano ako katahimik nung bata pa ako, nakikita pa rin ng mga teachers ko yung effort ko sa pag-aaral. Alam nila na may potensyal akong estudyante. Hindi naman kasi ako pala-recite or palataas ang kamay during recitation. Lagi lang akong pinipilit mag recite, buti na lang alam ko palagi sagot. I worked on my own, alam ng kuya ko yan kasi lagi niya akong pinagdadamutan ng nalalaman niya. So, nagsumikap ako to study on my own. Walang tutor kahit kanino, always reading books and notes. At pag may exam nagrereview bago matulog. Never akong nag cheat, di tulad ng mga katabi ko na may mga kodigo. At ako pa ang kinokopyahan nila. 'Pag 'di ko alam ang sagot, i leave it blank like what my teacher told us.

Nung nag high school ako, thankful pa rin ako kasi nakakasama pa rin ako sa top 5. First year top 3 ako. Second year...hmmm... nawala ako sa top 10, kasi nilipat ako sa section 1 ng main from section 1 ng annex. Siguro nanibago ako sa mga lessons, at na involved kasi ako nun sa lovelife? hehe... siguro nga, dahil dun napabayaan ko studies ko. Then, third year pumasok na ako sa top, top 10! May medal pa ako nun. har har! At nung fourth year, nagulat talaga ako, kasi hindi ko akalain o wala sa aking hinuha na papasok uli ako sa top 5, top 5 ako! yipee! At tinawag nila akong ‘silent killer’ kasi tahimik naman ako at minsan lang mag recite. Hindi daw nila inisip na magigi akong isa sa dapat nilang katakutan. Wohaha! Anong malay ko? Basta ako ay nag-aaral lang ng mabuti at hindi nandadaya! I graduated high school with flying colors, 3rd honorable mention! Wala lang, proud lang naman ako. And during the graduation proper, nasa harapan kame. 'Di ba at least di lang ako yung naging masaya nun, pati mga parents ko. Sobrang saya ko kasi proud sila saken and proud din ako sa kanila kasi pinag-aral nila ako at di nila ako pinabayaan. Then, college na. Wala mang top top nun, nakaka experience naman ako na ma exempt sa mga exams. Active kasi ako sa mga extra curicular. At sa major subject namin, which is Programming 101, na exempt ako sa finals. Kasi daw sa last exam namin, ako lang yung nakasagot sa programming part, kung saan isusulat mo yung code ng program na pinapagawa. Madali lang naman din kasi yun, di ko alam kung bakit di nila nasagutan. Mga grades ko di umaabot sa 2.75. Ay! umabot na pala, sa polscie ko. Kasi naman, strict yung prof namen dun, graduated siya ng law. Ayun, siguro nga di ako magaling sa mga law na yan, and i'm thankful! Kasi wala pala akong future sa politics, hehe... Then, habang tumatagal yata eh bumabaliktad ang mundo para saken. Sa sarili kong interpretasyon, kapag ako ay na iinvolve sa maka-pusong sitwasyon napapabayaan ko ng di ko nalalaman ang studies ko. Hayst! First boyfriend ko ay nung 2nd year ko sa kolehiyo. Kumplikado eh, kasi kabrebreak niya lang sa ex niya nun. Tapos sabi niya minahal din naman niya ako, pero ang lumalabas pa rin talaga ay nagi akong panakip-butas. Masakit? Unang sakit kamo. Unang nobyo, kumplikado agad. hayssst uli. Balik uli sa studies ang lola mo. At dahil nga napabayaan ko na studies ko, nahihirapan na’kong ibalik uli yung mga dati kong marka. Nagsimula nang makatanggap ako ng grade na 2.5 sa Business Math. Nakow po! Favorite ko pa naman ang math, di ko talaga matanggap na iyon pa ang napabayaan ko. Then, before mag tapos ang 1st sem, may nakilala ako na muling nagpatibok ng aking puso. Ayan nanaman ang lola mo inspired nanaman. 3rd year to 1st sem of 4th year, inspired ako. Kaso nung start na ng Thesis namin, etong si tutut kong boyfriend naman nagdrama ng cool-off. Adik lang eh, panira ng moment! Kung kelan kailangan ko ng inspirasyon, kung kelan naka isang taon at kalahati na kame sa relasyon namen saka naman naguluhan. Aba ewan ko sa kanya, edi yun pinagbigyan ko. Baka umiyak eh. (Actually ako yung iyak ng iyak nun) Sige, start na ng Thesis. Haay, sa halip na nag-aaral na ako ng business namen, ayun naghahanap ako ng bagong inspirasyon. Oo na! nanlalake na nga tawag dun! Eh, wola lang, nasanay kasi ako na may ka-sweetness, kaya hinahanap-hanap ko. At nahanap ko naman sa iba, kaso sablay lang sa height. Napabayaan ko thesis namin nun, kaya ang grade ng thesis namen sa 1st sem ay 3. Isang lumalagapak na TRES! Putres na mga lalake kayo! After 1 month nakipagbalikan si tutut, eh anong magagawa ko mas matimbang pa rin siya eh. So, go! Tumaas naman grade namin sa final thesis. Kaso di pa rin nabawi eh, 3 pa rin. Haay! Buti na lang di ako nag-apply ng cum laude nun, kasi di rin pala ako aaprubahan, at may 3 pala kameng grado. Kasi nung finals na namen nalaman mga grades dun. Ayun, baliktad na nga. Siguro nga umiral saken puso hindi utak. Kaya nga ng muling tumibok ang puso ko, si puso na nga talaga ang sinunod ko. Before graduation, nakilala ko ang husband ko na ngayon. Despite of the 3 years na pagsasama namen ng bf ko that time, pinili ko pa rin si husband ko na ngayon na kailan ko lang nakilala. Iyon ang tinitibok ng puso ko eh, sasayangin ko pa ba? And minsan na akong iniwan nitong isa, malamang mang-iiwan uli yun. And sinigurado ko na kung ano talaga ang nasa puso ko. At simula nun puro si puso na lang, nakalimutan na si utak.  

O teka, nalihis na’ko sa drama ko. Ayun, basta… Nasanay siguro ako na lagi akong nabibigyan ng atensyon ng mga teachers ko at professors. At base sa kinuwento ko, ako naman pala may kasalanan. Well, kung di pa ako magkwekwento sa blog na ito, di ko malalaman na ako! Ahuhuhu! Lalo akong naiiyak. It’s so kalungkotness… Pero wala naman akong dapat na pagsisihan. Siguro kailangan ko lang talaga tanggapin na ‘hindi lahat ng bagay na gusto mo ay para sa iyo’ at ‘hindi habambuhay kang nasa itaas, wala ka namang ibang pupuntahan kundi pababa’.  Kaya nga, lahat ng bagay pinaghihirapan bago ito makuha, pero may time talaga na hindi para sa iyo iyon, kaya siguro better luck next time or better luck on another. 

--Cut! It's a wrap!  


Thanks derek!

0 comments:

Template by:

Free Blog Templates